Sunday, May 02, 2010

Climate Change or Let's make a Change?


Masyado ng nakakabahala ang pagbabago ng panahon dito satin sa Pilipinas. Mainit na nga sa umaga, mainit padin sa gabi tapos minsan bigla namang uulan. Grabe na talaga ang init sa bansa parang kulang nalang buhangin, kamelyo at cactus para disyerto na tong lugar natin. Sabi nga ng papa ganito rin daw ang klima sa saudi arabia nung nandun pa siya. This is more than what summer is. Parang gusto kong magswimming araw araw.

Tuwing Mayo, may Agua de Mayo na tinatawag samin, yun ay ang unang ulan sa buwan ng Mayo. Sinasabing kapag naligo ka sa Agua de Mayo, pagagalingin nito ang sakit mo, pero hindi na naman ito katanggap tanggap ngayon dahil hindi natin alam baka ang pagbuhos ng ulan ay isa lang Acid rain at lalo lamang itong makasama sa kalusugan ng tao.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit naramdaman natin ang mga ganitong panahon: ito ay Tao. Ang dami dami nang tao sa mundo ngunit limitado naman ang resources, ang dami dami ding umuusbong na teknolohiya na hindi naman lahat ay maganda ang madudulot para sa ating kapaligiran. Sobrang dami na ng Carbon dioxide na bumabalot sa ating atmospera kaya sobrang init na talaga ang nararanasan nating panahon, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo nadin. Di bale sana kung marurunong magtanim ang tao ng halaman sa kanilang paligid ngunit hindi naman, walang humpay sa pagputol ng puno; pagsunog ng gubat at basura; pagtatapon ng dumi sa dagat at kung saan saan kaya sa halip na gumanda at luminis ang paligid ay lalo lamang pumapangit.

Kaya tao, mabahala ka, kumilos ka and Let's make a change. Sabi nga ni Michael Jackson "Heal the World, make it a better Place, For You and For Me and The Entire Human Race, There are People dying If you Care Enough For the Living, Make it a Better Place For You an For Me". Di bat napaka inspiring ng ibig ipahiwatig ng mga linyang yan. Eto pa ang isa - "I'm starting with the Man In The Mirror, I'm Asking Him to Change His Ways, And no Message Could have been any Clearer, If You wanna Make the World a Better Place Take a look at Yourself, and Then Make a Change".

Paano nga ba sisimulan ang pagbabago upang maligtas ang ating mother earth? Sa mga simpleng bagay maaari nyong simulan ito:
1. Iwasan ang bisyo gaya ng paninigarilyo (anti carbon dioxide)
2. Magtanim ng halaman o kaya itanim ang buto ng mga pinagkainan nyong prutas
3. Magtipid ng tubig at enerhiya
4. Itapon sa wasto ang inyong basura o use 3R
5. Huwag mag-aksaya ng pagkain (anti methane gas)
6. Kung malapit lang ang pupuntahan ay maglakad na lamang o gumamit ng bisekleta anti carbon dioxide pa
7. Makiisa o tumulong sa paglilinis, pagpapanatili at pangangalaga ng ating kapaligiran. O kaya ay suportanhan ninyo ang mga programang pangkalikasan sa inyong lugar.

Simple lang yan ngunit malaki ang maitutulong nito upang magbago ang kapalaran ng ating mundo at masugpo ang nakababahalang climate change. Kaya pumili kayo Climate Change or Let's make a Change? ^_^

1 comment: